“Duda noong una, maling akala pala” No ratings yet.

Noong school year 2012-2013, napili ang Negros Occidental High School (NOHS) bilang isa sa mga kpiling eskwelahan upang ilunsad ang pilot Senior
High School (SHS).

Ang isa sa mga unang kursong inilatag ay ang Contact Center Service Course kung saan may 52 nagpalista na pawang nagtapos ng junior high school.

Ito ang nagbukas ng pintuan para sa maraming estudyante, lalo na kay Janse Richnella Padilla na sa simula ay puno ng pagdududa sa SHS.

“Ang tingin ko noon, ang programang ito ay dagdag na pasanin lang para sa akin at sa aking mga magulang,” aniya.

Ganito din ang duda noon ni Ma. Andrea Minasalvas, “Akala ko noon ay pag-aaksaya lang ito ng oras ng estudyante at pagsasayang ng pera ng mga magulang,” dagdag pa ni Minasalvas.

fern-dNagsimulang magbago ang ganitong pananaw nang unti-unti maunawaan nina Padilla at Minasalvas ang programa at ang bunga ng senior high school.

Tatlong buwan bago siya magtapos sa SHS, nagsisimula na siyang magtrabaho bilang isang call center agent sa isang kompanya ng Business Process Outsourcing (BPO) sa Bacolod. “Ang mga kaalamang natutunan ko at ang mga skills na ibinahagi ng senior high school ang nagbigay sa akin ng lakas ng loob upang mapagbuti ko ang aking trabaho,” paliwanag ni Padilla.

Para naman kay Minasalvas, may sakripisyo din ang senior high school pero ang kapalit nito ay sobra pa sa inaasahan.  “Hindi lang sa usaping pinansiyal dahil may trabaho na ako, nakatulong din ito ng malaki upang mas maging positibo ang aking pananaw at mas magkaroon ng tiwala sa sarili dahil sa mga skills na taglay ko ngayon,” ani Minasalvas.

Maraming nagtapos ng senior high school sa NOHS ang nagtatrabaho na ngayon sa iba-ibang kompanya ng BPO sa Bacolod City.

Para sa NOHS, hindi madali ang kanilang simula sa pagpapatupad ng SHS dahil sa dami ng mga dapat pang ayusin. Subalit dahil sa kanilang paniniwala na ito na ang pagbabagong matagal nang hinihintay, ang lahat ng sagabal ay agad ding nalampasan.

“Sa pagtitiyaga at kooperasyon ng mga guro, nakapaglatag kami ng isang modelong SHS program na hanggang sa ngayon ay ipinatutupad namin,” ayon naman kay Mario Amarca, NOHS Principal.

Pumirma rin sa kasunduan ang NOHS sa Negros Occidental Language and Information Center ng panlalawigang pamahalaan upang magamit ng mga estudyante ang  learning laboratory at matuto sa karanasan ng mga  empleyado ng center

source: Deped Website

Please rate this

Comments

comments

Michael Montuya

Michael Montuya

A Public School Teacher who loves to make some IT Stuff such as blog that can help to provide information to all teachers around the Globe.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *