Pulis at LGUs isama sa anti-illegal drug lectures sa kabataan – DepEd 1/5 (1)

Nakipagsanib-pwersa na ang National Capital Region Police Office (NCPRO) sa Department of Education (DepEd) kasabay ng sunod-sunod na bomb threats at mga banta sa iligal na droga sa mga paaralan at unibersidad sa Metro Manila.

Una rito ay nagkaundo na sina NCRPO Regional Director Chief Supt. Oscar Albayalde at DepEd Asec. Jesus Mateo na magtatag ng protocol kung paano mas mapapabilis ang pag-report ng mga paaralan sa mga otoridad sa patungkol sa mga concern sa  bomb threats .

Sinabi ni Mateo na ang mga magulang ang siyang may pangunahing papel sa pagkontrol sa pagkalat ng mga maling impormasyon sa mga bomb joke.

Ayon sa kanya ay dapat unang i-report ng mga guro sa mga otoridad ang nasabing bomb scare bago ipaalam sa mga magulang ng mga estudyate.

Binigyang din ng direktiba ni Mateo ang mga paaralan na isama ang mga pulis at mga local government units (LGUs) na magsimula ng mga anti-illegal drug lectures sa mga kabataan.

Samantala nagpaalala naman si DepEd NCR Regional Director Dr. Ponciano Menguito na huwag nang magpakalat ng mga bomb jokes o kaya’y mahaharap sa parusa batay sa PD 1727 o Anti-Bomb scare joke law.

Sa gitna ng mga pagbabanta ay tiniyak naman ni Albayalde sa publiko na mas pinaigting na ang presensya ng mga pulis at barangay tanod sa paligid ng mga paaralan para sa kaligtasan ng mga estudyante.

source: BOMBO RADYO PHILIPPINES / September 11, 2016

Please rate this

Comments

comments

Michael Montuya

Michael Montuya

A Public School Teacher who loves to make some IT Stuff such as blog that can help to provide information to all teachers around the Globe.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *