Ako, Ikaw at Ang Makabagong Gramatika (alay kay Dennis Vallejo Rosario) 5/5 (1)

“Kung ang PANGNGALAN ay tumutukoy sa pangalan ng tao, hayop, pook at pangyayari;

IKAW naman ang pangngalang sa puso ko’y natatangi.

PAMBALANA ba o PANTANGI–ni hindi ko mawari,

subalit ang halaga mo’y singhalaga ng isang makulay na bahaghari.

Kung ang PANGHALIP ay humahalili sa pangngalan;

maaari sigurong ang humalili sa aki’y IKAW naman.

Sa pagsulat ng JENEVIE o DENNIS, maaaring TAYO imbes na ating ngalan.

Mas madaling tandaan kapag ang AKO at IKAW ay may pinagsamahan.

Kung ang PANDIWA ay salitang nagsasaad ng kilos;

katulad ng pagkagusto ko sa’yong ayaw papigil sa paghulagpos.

AKO lamang ba ang may ayaw na ang kabanatang ito ay matapos,

o katulad mo ring ayaw itong mawala at matangay ng papalayong agos?

Kung ang PANG-URI ang naglalarawan sa panggalan at iba pang salita;

gagamit AKO nito at ilalarawan kitang katulad ng mga tala.

Sa madilim na gabi, tahimik at hindi nagsasalita,

subalit ang ningning naman, sa diwa ay hindi na mawala-wala.

At kung ang WIKA ay may MAKABAGONG GRAMATIKA;

hindi ba’t AKO at IKAW ay gaya rin naman nitong balarila?

Walang saysay kung puro lamang AKO o IKAW, gaya ng parirala.

Kailangang makabuo ng sugnay o pangungusap na nakapag-iisa, may saysay–gaya nating dalawa.”

Please rate this

Comments

comments

4 thoughts on “Ako, Ikaw at Ang Makabagong Gramatika (alay kay Dennis Vallejo Rosario)

  • October 4, 2016 at 9:44 pm
    Permalink

    Ganda madam ng inyong isinulat, pang valentines day… super inlove talaga kayo

    Reply
  • October 6, 2016 at 7:00 pm
    Permalink

    Hi po! Salamat po! 🙂 Isinulat ko po iyan, 2 buwan matapos kaming magkawalay.

    Reply
  • October 13, 2016 at 9:04 pm
    Permalink

    Ibig sabihin ba madam ay nainspired ka kung kaylan nag hiwalay kayo? hehehehe

    Reply
  • October 22, 2016 at 6:16 pm
    Permalink

    Haha! Hindi naman po. Mahal ko lang talaga siya nun.

    Reply

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *