Pag-ibig 5/5 (1)

“Hindi singsing ang kailangan ko, kung ‘di ang mga daliri mo sa pagitan ng mga daliri ko.

Hindi polseras ang hinahanap ko, kung ‘di ang palad ko na nakapaloob sa palad mo.

Hindi kuwintas ang gusto ko, kung ‘di ang leeg mong maaaring yakapin ng mga kamay ko.

Hindi ko hinahangad ang mala-kastilyong bahay mo,

kahit sa kubo lang basta ikaw ang kasama ko.

Eh ano naman kung sa balon tayo kukuha ng tubig na pampaligo?

Basta’t ikaw ang kasama kong hihila ng timba mula rito.

Kailangan ko pa bang sumakay sa mamahaling kotse mo?

Kung sa’yo pa lamang, narating ko na ang paroroonan ko?

Ayaw ko ng kumikinang na bagay sa paligid ko,

gusto ko ay ang kislap ng mga mata mo tuwing tinititigan mo ako.

Walang ibang hangad na tunog ang mga tainga ko, kung ‘di ang malamyos mong halik sa aking noo.Hindi ko hinihiling ang yamang kayang ibigay ng mundong ito,sapagkat ikaw ang yaman na nais ng puso ko.”

Please rate this

Comments

comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *