TANONG AT SAGOT HINGGIL SA AGENCY FEE NG ACT NCR UNION ACT NCR UNION·MIYERKULES No ratings yet.

Nakaltasan ba kayo ng halagang Php 20.00 ng isang National Organization? Para tayo po ay malinawan basahin po natin ito….

1. Ano ang agency fee?

Sagot: Ang agency fee ay “refers to the reasonable assessment deducted from NON-MEMBERS of the employees’ association which should be equivalent to the DUES and other fees paid by its members”.

2. Ano ang pagkakaiba nya sa (ACT NCR) union dues o membership fee?

Sagot: Malaki. Ang agency fee ay bayarin ng mga hindi miyembro sa union samantalang ang union dues ay ang “butaw” o membership fee na bayarin ng lehitimong miyembro sa union.
Tipo ng Binabayaran Pribilehiyo
Member Union Dues Maghalal o mahalal
Non-Member Agency Fee Hindi pwede

Benipisyo sa CNA
Member Lahat
Non-Member Lahat

3. Ano ang mga legal basis nito?

Sagot: Maraming legal na basehan ang pangongolekta ng agency fee. Ang ilan ay ang PSLMC promulgated noong nakaraang Hunyo 25, 2013 na pag-amyenda din sa PSLMC Resolution No 1, s. 1993. Ito din ang naging basehan ng sulat ng CSC sa sulat ni Alan Alegria kay Dr. Luz Almeda (dating Deded NCR Regional Director) noong August 27, 2015 Article V Section 3.

4. Maari ba itong gawin sa hindi miyembro o kahit walang paunang paabiso?

Sagot:OO. Malinaw ito sa section 3 ng PSLMC Reso. 1 s. 1993 na sinasabi na : “ there is no need of individual written authorization on the part of the non-members concerned”.

5. Saan ba napupunta ang bayad sa agency fee?

Sagot: Ito ay direktang napupunta sa union ng mga guro sa pangunguna ng ACT NCR dahil sila ang kinikilalang SENA o Sole and Exclusive Negotiating Agent na kumakatawan sa libo-libong guro ng NCR sa pagtatanggol ng interes ta karapatan nito. Maliban dito, dinadala din ang sangkatlong bahagi nito sa pambansang antas, division chapter at local na sangay ng union at ginagamit sa mga kampanya, opisina at tulong sa miyembro nito sa oras ng pangangailangan.

6. Ano ba nakakamit o benepisyo ng mga hindi miyembro ng ACT NCR Union kung bakit kailangang magbayad ng agency fee?

Sagot: Dahil sa mahigpit na pagtangan sa prinsipyo na para sa guro ang iluluwal ng pakikidayalogo, makikita sa CNA na aprubado ng Deped NCR ay ang mga sumusunod: · Pagrecognize na dapat ang guro ay may disenteng sahod, security of tenure, career development at makataong lugar sa pagtuturo · Official time sa mga meetings ng Unyon · Pagkakaroon ng pasilidad at opisina ang union/faculty club · Libreng paggamit ng Deped halls and facilities · Libreng paggamit ng sasakyan ng Deped · Pagkakaroon ng bulletin boards at water dispenser and supply · Pagtitiyak na ang mga guro ay regular at timely promotion · Pagtitiyak na ang class size at load ng mga guro ay makatao · Pagkakaroon ng malinis at ligtas ng lugar ng tuturuan · Libreng dental examination at treatment · Istriktong implementasyon ng mga leave priviledges · Pagkakaroon ng sports program at libreng sports facility/equipment · Pagkakaroon ng tribute at parangal sa mga retiring teachers · Pagtitiyak na magkaroon ng CNA incentive .

7. Kailan ipapataw ang agency fee sa mga hindi miyembro?

Sagot: Kung babasahin ang PSLMC reso noong 2013 na malinaw ang pagkakasulat na nagsasabi na : “ upon the ratification of the forged CNA between the management of the organizational unit and the employees association, rank-and-file employees who are not members of the employees’ association also BENEFIT FROM THE RATIFIED CAN, thus, justifying the deduction of corresponding agency fee”. Ito din ang sinabi ng CSC na : “ the agency fee can only be enforced as soon as the non-member employee eventually enjoys the benefits under the CNA”.

8. Magkano ba ng ibabayad sa agency fee?

Sagot: “it is equivalent to all dues and other fees paid by a member in a particular year..”Sa ngayon ay P20 lamang ito.

9. Bakit sinasabing hindi man lang sila naabisuhan dito?

Sagot: Katulad ng nasabi na sa itaas na hindi naman na requirements ang “authorization” ng mga hindi miyembro dito. Ganun pa man, ay marami na tayong pulong na ginawa sa Regional office, mga Division chapter meeting s at nito ngang huli (Oct 18-19 sa Mandaluyong at Makati) ay nagkaroon pa tayo ng cluster meeting sa mga division ng San Juan, Marikina, Mandaluyong, Makati at Pasay upang ipaliwanag ang ating tagumpay sa CNA at agency fee.

10. Bakit may iilan na organisasyon na pilit na binabaluktot ito?
Sagot: Dahil hindi sila ang kinikilala ng Deped NCR na “sole and exclusive bargaining agent” ng mga guro upang ipagtanggol ang mga guro sa Kamaynilaan. Dahil ang ACT NCR ang siya lamang organisasyon na kinilalang union at ito ang gusto nilang makamit sa pamamagitan ng pagbaluktot, paglilihis o pagliligaw sa sinasabi ng batas. Kapag sila ang nasa posisyon natin, tayo naman ay tatalima. Pero malabo pang mangyari ito dahil malalim at malapad ang impluwensiya natin sa sambayanang kaguruan.

Inihanda ni Vladimir A. Quetua
ACT NCR Union
Chair, Education Committee

Please rate this

Comments

comments

Michael Montuya

Michael Montuya

A Public School Teacher who loves to make some IT Stuff such as blog that can help to provide information to all teachers around the Globe.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *