AYOKONG MAGING GURO No ratings yet.

Nang banggitin ang aking pangalan,
Natulig ako sa sigawan…
Oo…ako daw panalo sabi ni Ma’am Merthel…
Ako daw ang Outstanding Teacher ng buong CALABARZON…
Tumigil sandali ang mundo ko…
Tumungo ako…
May mainit na likidong kumawala sa mata ko
Umagos sa pisngi ko
Gusto kong pahirin pero ang bilis ng dausdos

Naalala ko ang buhay ko noon…
Ayaw kong mag-teacher…
Ayaw ko talaga…
Kase gusto ko brodkaster…
Pero mahirap lang kami
Ang binagsakan ko ay pag wi- waiter sa edad na disisyete
Wala pa ngang jollibee noon sa gumaca
Kaya pag sunday, sa Kapitbahay Resto ang punta ng mga nagsimba
Haist….
Kapagod…
Araw-araw hilahod…

Sabi ko sa sarili, hindi habang buhay waiter ako.
Gusto ko naman, maiba ang buhay ng magiging pamilya ko
Nag-aral ako sa eqc
Pero lagi na lang akong napila sa admin pag exam
Madalas kase akong mag promissory
Wala kaseng pang tuition
Wala mautangan si mama
Kakahiya na nga eh
Hanggang sa tuluyan akong tumigil

Nag trabaho uli ako…
Taga-buhat ng tiles sa Gumaca Trading Lopez branch
Pero nagsara
Pati yung radyo sa Lopez, nagsara rin
Di ko alam kung kaya ko pang lumaban noon sa hirap ng buhay

Buti na lang mabait yung pamilya Rodelas ng EQC
Kinuha akong student assistant ng namayapang ninong Totit
Na assign ako sa office ni ninong Arnel VR
Ayun…nakapag enrol uli…
Hirap…
Lalo nung practice teacher na ako…
Puro gastos…
Buti na lang may mga taong naging sandalan ko
Pag babagsak na ako
Napasok nga ako noon sampung piso lang ang pera
HIndi na lang mag memeryenda
kase kukulangin ang pamasahe pauwi
Makaraos lang

Yung course na dapat 4 years, natapos ko ng 6 years,
Kahit pagod na at puyat, pinagsasabay – sabay ko
Natutulog ako noon, alas tres na yata ng umaga
Tapos papasok ng alas siyete

Ng maging titser na ako…
may plano pala ang Diyos
Yung nanay ko na elementary graduate lang,
Nag enrol sa ALS
Sa edad na 61, naipasa niya ang Accreditation and Equivalency
Ayon, lola na siya ng maka graduate ng high school
Siyanga pala, ako yung titser niya…
awkward nga, ang tawag niya sa akin sa klase, “SIR”

Lumipad uli ang aking gunita…
Nagbalik sa aking dibdib ang kaba ng unang sumakay ng eroplano…
Ipinadala nga pala akong iskolar sa Singapore
Sagot ng SEAMEO lahat….
Pati pamasahe…
Sinong mag aakalang makararating ng ibang bansa ang batang pobre …
Na ang trak-trakan nung kamusmusan ay gulong na tibig
At lumang sisidlan ng alcohol ang katawan

Kinalabit ako ni tita Kgd Marilou Mendoza
“Zaldy, ikaw ang panalo…”
Nasa harap ko na pala si Sir Dads San Antonio
“Mamaya ka na umiyak,” sabi niya
Natauhan ako
Yumakap ako kay Ma’am Merthel Camaligan-Merana Evardome
Para itago sa likod ng camera ni sir Sherwin Alvarez Saavedra ang luha sa aking mata

Mula sa pagiging waiter
Ngayon, Regional Outstanding Teacher

Marahil tama nga
Inilagay tayo ng Diyos hindi ayon sa gusto natin
Kundi ayon sa gusto Niya para sa atin
Ayokong maging guro mandin
Pero ito ang plano Niya para sa akin

Ayokong maging guro….. NOON…….
Subalit ibang usapan ang…. NGAYON

posted  by: Zaldy Daniel Bueno at Taga Deped Ako FB Group

Please rate this

Comments

comments

Michael Montuya

Michael Montuya

A Public School Teacher who loves to make some IT Stuff such as blog that can help to provide information to all teachers around the Globe.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *