OO NGA PALA 4.5/5 (4)

Oo, malapit tayo.
Isang tawag niyo lang ay nandiyan agad ako.
Oo, tagapunas ako ng luha niyo,
dahil ayokong nasasaktan kayo.
Ayokong nahihirapan kayo.
Kaya kung maari pati sariling kasiyahan ko
ay ipagpapaliban ko muna,
dahil oo mahal ko kayo,
wala namang duda.
Hindi ko kailangan itago,
dahil paniguradong alam niyo,
ramdam niyo.
Pero tuwing ayos na kayo,
Dahan-dahan kayong nawawala sa piling ko.
Wala nang ibang magawa kundi ang ipikit na lang ang aking mga mata.
Oo, tanggap ko.
Dahil oo nga pala,
hindi ako ang tunay niyong ina,
teacher niyo lang ako.

Please rate this

Comments

comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *