Dedicated to: CSS/TD, CP3, EIM/CES students 5/5 (1)

Unti-unti nang nagsasawa,
nauubos na pati ang luha.
Mahapdi na ang mga matang
kay-ilap tumingin kapag magkasama.
Kulang pa ba kaya ka sumi-sige pa?
Gusto mo pa bang ituloy pa?
Lumipas na ang panahong itinakda,
ngunit humahabol ka pa rin kahit na madapa. Kakaripas ka ng takbong tila hagad ng oras.
Akala mo nama’y may halaga ka, eh isa ka lamang naman pampalipas-oras.
Tigil na, simulan mo nang kumalas.
Huwag mong isiping ikaw ay malas.
Isipin mong tila ka tinigpas at tinipong ubas.
Pinisil, nilamutak, itinago matapos na mapitas.
Ang kulubot sa iyong noo’y tila umuuyam sa sarili mong pagkatao.
Hindi ka normal sa tingin mo,
tila ka kamo isang maligno.
Nagtatago sa sakit at hapdi na dulot ng kanyang pamalo.
Pinipilit na huwag maalis ang tabing sa mukhang tila impakto.
Oh, masakit, oo!
Hindi mo kailangang itago ito.
Harapin mo ang katotohanan at ikaw mismo ang magpatotoo.
Na nasasaktan ka, oo, puso mo nga di ba’y nagdurugo?
Oh, hayan na naman tayo!
Iiyak ka na naman, akala ko ba’y wala na?
Ubos na?
Wala na’t ubos na ang mga luha?
Mahapdi ang iyong mga mata, ‘di ba?
Tama na, tumahimik ka na.
Huwag kang patatalo sa mga alaalang nagugunita.
Naiyak mo na ang lahat.
Nailabas mo na ang dapat.
Tahan na.
Mamahinga ka na muna.
Tapusin mo na ang problema.
Ayusin mo na hanggat kaya pa.
Kaya pang bawiin ang lakas na kinuha na ng tadhana.
Kaya pang ipunin ang memoryang tila ayaw niyang balikan pa.
Ang pangit na nakaraa’y limutin na.
Umusad ka nang tila sasakyan sa EDSA,
na bagamat mabagal ang pag-abante’y nais namang makawala.
Makawala sa init at sikip ng lugar kung saan naroon din ang iba.
Ipakita na, kung nasasaktan.
Pagkatapos sila’y iyong iwan.
Kung kailangang balikan ay balikan.
Pero huwag muna ngayon.
Ngayong sa kasuluk-sulukan ng iyong puso ay may natitira pang nararamdaman.
Huwag ngayon kung kailan ang maligno’t impakto sa iyo’y malakas ang laban.
Tama na.
Tumigil ka na.
Hayaan mo muna.
Kalimutan mo na muna.
Maghintay ka sa tamang pagkakataon.
Kung kailan kaya mo nang harapin siya nang wala nang baon-baon…
Mula sa nakaraan, na una niyang ibinaon…
Sa limot…

Please rate this

Comments

comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *