Ang kwento ni Abdulbasdit M. Sulog, isang A.L.I.V.E Teacher sa Masbate City 5/5 (2)

“Ang Arabic Languages and Islamic Values Education (A.L.I.V.E) ay tulad ng araw na nagbibigay ng liwanag sa buhay ko.” -Abdulbasit M. Sulog

Si Abdulbasdit M. Sulog ay isang tubong Mindanao. Sa kabukiran siya lumaki, katuwang ng kanyang nanay sa paghahanap buhay at pagtatanim na kung anu-anong pwedeng magpakakitaan para sa pangangailangan nila araw-araw.

Isang araw ay nagkasalubong ang nanay ni Abdulbasit at kaibigan nitong Ustadza (isang babaeng guro na Muslim) at niyaya nito ang nanay ni Abdulbasit na pag-aralin ang anak ng Arabic Language upang balang araw ay maging Ustadz (isang lalaking guro na Muslim) rin kagaya niya.

Laking tuwa ng kanyang ina nang makita nito ang kagustuhan ni Abdulbasit na mag-aral ng Arabic Language. Kahit siya ay mas matanda na sa kanyang mga kaklase, hindi ito naging balakid sa kanyang pag-aaral ng Arabic Language.

Sa kanyang paniniwala na sa isang Arabic school niya makakamit ang kanyang magandang buhay ay nagpatuloy siya ng koleheyo sa Jamiatu Mindanao Al- Islamia sa Marawi City at naging isang student leader sa kanilang paaralan.

Taong 2009, kumuha si Abdulbasit ng Qualifying Exam for Prospective Asatidz sa Legaspi City at sa awa ng Panginoon Alla’h ay pumasa siya.

Sa kasalukuyan ay nagtuturo siya sa Madrasah A.L.I.V.E. class sa Jose Zurbito Sr. Elementary School sa Masbate City.

Malaki ang pasalamat niya na nagkaroon siya ng pagkakataon na maka pag share ng karunungan na ibinigay sa kanya ni Allah sa ganitong paraan at natutuwa kami na mga kasamahan nya sa nakita naming sa buhay nya na nagkaroon ng liwanag at nakakapagbibigay din ng liwanag sa buhay ng iba

source: Deped Philippines FB Page

Please rate this

Comments

comments

Michael Montuya

Michael Montuya

A Public School Teacher who loves to make some IT Stuff such as blog that can help to provide information to all teachers around the Globe.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *