Guro sa senior high school sa Albay, pinagsasaksak-patay No ratings yet.

LEGAZPI CITY – Hindi na nagawa pang maisalba ang buhay ng isang guro sa Tabaco National High School matapos itong pagsasaksakin sa loob ng kanyang tahanan.

Mag-isang naninirahan ang biktimang si Jordan Averilla, 40-anyos at residente ng Purok 3, Barangay Baranghawon sa Lungsod ng Tabaco.

Dating guro sa Ethics si Averilla sa Aquinas University of Legazpi at dati ring seminarista.

Base ipinalabas na impormasyon ng Tabaco City-Philippine National Police, may mga tama ng saksak ang biktima sa dibdib nito gamit ang isang kutsilyo.

Nakita rin sa imbestigasyon ang senyales na may injury ito sa kanyang dila na posible umanong indikasyon na hinampas ang biktima sa may bibig nito.

Nakahingi pa ng tulong si Averilla sa kapitbahay nito matapos ang insidente kung kaya naitakbo pa ito sa ospital ngunit binawian din ng buhay.

Ayon sa mga otoridad, posibleng pagnanakaw ang motibo sa krimen matapos malamang nawawala ang wallet ng biktima.

May identity na rin ang suspek ngunit tumanggi muna ang mga otoridad na isapubliko ito.

Sa ngayon, hangad ng mga kaibigan at pamilya ng biktima ang hustisya para sa pinatay na guro.

source: Bombo Radyo Website

Please rate this

Comments

comments

Michael Montuya

Michael Montuya

A Public School Teacher who loves to make some IT Stuff such as blog that can help to provide information to all teachers around the Globe.

One thought on “Guro sa senior high school sa Albay, pinagsasaksak-patay

  • March 17, 2017 at 9:47 am
    Permalink

    Sana ay mabigyan ng katarungan ang pagkamatay ng isang guro na katulad nya. Patuloy ang panawagan namin sa pamahalaan na sanay magkaroon ng isang programang magprotekta sa mga kaguruan.

    Reply

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *