Libreng tuition sa SUCs, ipatutupad sa unang sem ng SY 2017-18 No ratings yet.

Sisimulan na sa unang semester ng academic year 2017-2018 ang polisiyang magtatanggal ng matrikula sa state universities and colleges (SUCs), inanunsyo ng isang opisyal Miyerkules.

Sa panayam ng DZMM, ipinaliwanag ni Commission on Higher Education (CHED) deputy executive director Nicholas Tenazas na ito’y matapos mailabas ng kanilang komisyon ang implementing rules and regulations para sa polisiya.

Sakop anya ng libreng matrikula ang mga estudyanteng nasa kategoryang “poorest of the poor” at “near poor,” kabilang ang mga miyembro ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program.

Naberipika na ng gobyerno kung sino ang mga kabilang sa mga naturang kategorya kaya hindi na kailangang magsumite ng anumang dokumento ng mga estudyante, dagdag ni Tenazas.

Pasok din anya sa free tuition program ang mga nasa Category E o mga manggagawang kahit may trabaho ay maraming dependents kaya hirap paaralin ang kanilang mga anak.

Kailangang magsumite ng mga estudyante mula sa naturang grupo ng per capita income para matiyak ng CHED na qualified sila sa programa.

Idiniin din ni Tenazas na matrikula lang ang libre sa programa at hindi ang iba pang bayarin ng eskwelahan.

Bukod sa free tuition, may alok ding student financial programs at scholarship ang gobyerno para sa mga nais mag-aral.

Tinanggal ng CHED ang matrikula sa mga SUC matapos makatanggap ng dagdag na P8.3 bilyon pondo na dating inilaan para sa mga proyekto sa Mindanao.

source: ABS-CBN News Website

Please rate this

Comments

comments

Michael Montuya

Michael Montuya

A Public School Teacher who loves to make some IT Stuff such as blog that can help to provide information to all teachers around the Globe.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *