Puno Family Vehicular Accident 5/5 (2)

Mapagpalang Hapon po sa inyong lahat. Isa po akong baguhang guro from Jose Panganiban Elementary School. Jacquiline B. Puno, na sa inyo po ay taos sa pusong hihingi ng kahit na anong maaring maitulong para sa aking pamilya, lalo’t higit sa aking mahal na asawa. Randy S. Puno na sa kasalukuyan ay nasa BMC Hospital Naga City.

Hayaan nyo pong ibahagi ko ang mga pangyayari.

Noong Abril 16, 2017, habang binabaybay po ng aming pamilya sakay ng aming tricycle papunta sa Talisay Camarines Norte upang pumunta sa Atag Vinzons Outreach Program kung saan ako po ay volunteer teacher na nagtuturo sa mga bata. hindi inaasahan na ang aming sinasakyan, Ako, ang aking Asawa Randy S. Puno at ang aming anim na taong gulang na anak na si Renz ay nakabanggaan ang Bus ng Superlines.. Napakabilis po ng mga naging pangyayari nakita ko na lamang na duguan na ang aking anak at tumilapon sa kabilang kalsada ang aking asawa… walang malay… kaagad na rumisponde ang DRRMC at kami ay naihatid sa Provincial Hospital Daet Camarines Norte. Agad tinubuhan ang aking asawa sapagkat siya po ay 50/50. Nalapatan kaming mag-ina ng Pangunang lunas at natahi ang malaking cut o butas sa noo ng aking anak na si Renz. Subalit hindi po sapat ang mga pasilidad. kailangan po madala ang mahal kong asawa sa BMC naga kung saan meroon daw po ICU sapagkat siya ay Critical. sa Tulong ng mga taong malapit sa aming puso, kami po ay nadalang pamilya dito sa BMC. subalit wala pong Available na ICU. kaya po pinag advice kami na lumipat sa Mother Seton Hospital. Doon nalapatan kami ng mga ng gamot pinaadmit ang aking mag-ama sa tulong ng amig mga malalapit na kaibigan, kapatid sa pananampalataya at ng aking ina. ako po ay hindi na nag paadmit tutal natahi na mana ang bahagi sa aking binti at bugbog at pasa lang. at kailangang nasa tabi ako ng kaisa isa kong anak na after masemnto ang paa at ilang araw na confinement ay naiuwi rin ng aking ina.nais ko rin madalaw ang aking asawa sa ICU.. after CT Scan ng aking asawa pinag-advice po ako ni Dra. Lucena na kailangan ng agarang Operasyon ara sa aking asawa, may tatlo siyang Fracture sa ulo, kalahati sa kanyang brain ay namamaga, bali ang 2nd to 6th ribs, nadurog din ang kanang bahagi ng kanyang kamay. Subalit hindi ko po kaya ang naturang halaga, kaya pinag advice po kami na lumipat sa BMC pag mag vacant ng ICU. Tumagal po kami ng 5.5 Days sa mother seton, bawat araw napakalaki pong halaga ang aming binibitawan, at ang last bill ay umabot ng 100k. dun lamang po napunta ang niloan ko sa CITY savings. pero para sa aking mahal na asawa gagawin ko lahat. Nakausap narin po namin ang tanggapan ng superline at ginigiit po nila na kami ang may sala, matulong daw po sila sa halagang 20k lamang. Hindi ko pa po masikaso ang bagay na ito dahil inuuna ko ang kapakanan ng aking mahal na asawa.

Sa madaling salita kami po ay nakalipat dito sa BMC. ang natitirang 80k na aking hawak ay pinag down ko po sa operasyon ng aking asawa. 50k para sa mga materyales ng operasyon at 30k para sa Professional Fee. Salamat po sa Panginoon dahil naging Successful ang Operasyon ng aking asawa sa ulo. Sa ngayon po andito pa rin kami maaring makalabas na subalit wala na po akong hawak na anuman. naglipat po kami service ward after operation upang makatipid. pero napakalaki prn po ng aming babayaran sa Doctors fee. malaki nrn po ang naless namin gawa ng mga SWS, CVAC na tumulong sa medical assistance. Subalit ang Professional fee po ay hindi pasok sa medical assisstance kung saan eto po ay para sa mga Doctor Neuron, Anesthesiologist at iba pa na nagsakatuparan ng operasyon .. Hindi pa rin naayos ang mga braso nya dahil hindi pa nakikita ng Ortho para mai-stailess ang kanyang mga kamay, ganun din ng rehab sapagkat hindi po sha makalakad, kakailanganin po na nakawheelchair sha kung kami ay uuwi na. Nais narin po namin lumipat sana sa Daet na hospital para doon na tuluyang magpagaling sapagkat napakahirap humingi ng tulong sa lugar na hindi ako gaanong pamilyar.

Ngayon pa lamang po nagpapasalamat na ako sa sinumang may butihing puso na makakatulong sa amin. maliit pa po ang aming anak para mawalan ng napakamagmahal na ama ng tahanan. nawa p ako’y inyong matulungan. Pagpalain po kayo ng ating Diyos na Buhay!

Kung kayo man po ay may mabuting kalooban ay maaring po kayong magpadala sa mga sumusunod na pamamaraan

Bank to Bank

LANDBANK ACCount number ko po
Jacquiline B. Puno
4748-4404-1001-5728 / Daet Branch

o sa aking

City Savings ACCount number ko po
Jacquiline B. Puno
364-72-0012373 6 / Daet Branch

 

Save Puno Family

$
Personal Info

Donation Total: $5

Please rate this

Comments

comments

One thought on “Puno Family Vehicular Accident

  • May 23, 2017 at 12:09 pm
    Permalink

    Magandang Hapon po! Taos puso po akong nagpapasalamat! batid ko po na dito sa guro ko net nagmula ang tulong na aking natanggap. makadaragdag po eto sa mga follow up check up ng aking husband dito sa Daet! Bukas po sha ay muli iaadmit upang tanggalin ang kanyang tubo sa lalamunan. nawa po walang maging problema.. tuloy tuloy po ang gamutan ng aking asawa at pagpwede na operahan naman ang kanang bahagi ng kanyang kamay para ma-stainless. Salamat po! Godbless you all!

    Reply

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *