MALAWAKANG SIBAKAN | Mahigit 250,000 na empleyado ng gobyerno, maaaring maapektuhan sakaling maipatupad ang Rightsizing Bill 5/5 (1)

MANILA, Philippines – Aprubado na sa ikatlo at pinal na pagbasa sa Kamara ang House Bill No. 5707 o the Rightsizing the National Government Act kahapon, Miyerkules, Hulyo 26.

Matatandaan na si Pangulong Rodrigo Duterte mismo ang nagsabi sa kanyang ikalawang SONA na isa sa mga prayoridad niya ang pagpasa sa Rightsizing Law.

Nakapaloob sa nasabing panukalang batas ang pagtatanggal ng ‘redundant, duplicate, at overlapping functions’ sa lahat ng opisina na nasa ilalim ng executive branch. Layon daw ng batas na ito na mas mapaganda ang pagbibigay ng serbisyo publiko ng gobyerno.

Hindi naman kasama sa nasabing batas ang mga posisyon na may kinalaman sa pagtuturo, mga posisyon na may kinalaman sa serbisyong medical, military at uniformed personnel, at posisyon sa government-owned and controlled corporations (GOCCs).

Depende naman sa Kongreso, judiciary, constitutional commissions, Office of the Ombudsman at mga Local Government Units (LGU) kung gusto nilang i-adopt ang rightsizing program.

Ang mga maapektuhang empleyado ay bibigyan naman ng pagkakataon na mamili sa kahit alin sa sumusunod na retirement benefits na nakapaloob sa kasalukuyang batas.

  • Retirement gratuity provided under Republic Act (RA) No. 1616; or Retirement benefits under RA No. 660; or Retirement, separation or unemployment benefit provided under RA No. 8291.

Dagdag pa sa nasabing retirement benefits, ang empleyado na tatangging magretire ay makakatanggap naman ng karampatang separation incentives. Tulad ng mga sumusunod:

1) One half of the actual monthly basic salary for every year of government service, for those who have rendered less than 11 years of service;

2) Three fourth of the actual monthly basic salary for every year of government service, computed starting from the first year, for those who have rendered 11 to less than 21 years of service;

3) The actual monthly basic salary for every year of government service, computed starting from the first year for those who have rendered 21 to less than 31 years of service; and

4) One and one fourth of the actual monthly basic salary for every year of government service, computed starting from the first year, for those who have rendered 31 years of service and above.

Para rin daw maka-avail ng nasabing separation incentives ang isang empleyado, dapat daw siya ay may minimum na limang taon sa serbisyo.

Pabor ang ilang political analysts sa hakbang na ito ng administrasyon.  Para kay Dr. Jean Franco ng UP Diliman, magandang magkaroon ng pagbabawas sa gobyerno pero dapat daw pag-isipang mabuti kung ano ang mga opinsa na sobra-sobra ang empleyado.  Magiging mahirap daw na proseso ito na kailangan ng malawakang konsultasyon.

“I hope it passes into law pero sana the ultimate goal is to really optimize the work of government.  The only way that this can be done, to mitigate or to address ‘yung doubt ng mga tao is to have a very good consultation process. I think it is very crucial for the government to be transparent about its goals,” sabi ni Franco.

Dagdag pa ni Franco, “dapat isama ang unions kasi ito ang mga representante ng mga manggagawa sa gobyerno at kailangan pag-usapan ng masinsinan.  Kailangan kasi maintindihan nila itong prosesong ito para mas madali nilang matanggap kung ano ang gustong gawin ng gobyerno.”

Tingin naman ni Mon Casiple, ang Executive Director ng Institute for Political and Electoral Reform, nasa tamang direksyon ang tinatahak ng administrasyon sa pagpasa ng panukalang batas na ito.  Pero  kailangang maging sensitibo lalo na sa karapatan ng mga empleyado sa security of tenure.

“Dapat they should observe the rights nung mga maaapektuhang manggagawa lalo na ‘yung mga tenured employees kasi baka masagasaan mo, that would make the move very controversial and violating actually ang labor laws,” sabi ni Casiple.

Ayon pa kay Casiple, oras na rin daw buwagin ang ilang ahensya gaya ng isa sa nakaambang maaapektuhan, ang Presidential Commission on Good Government (PCGG).  Para kay Casiple, wala na sa posisyon para magpatuloy pa ang PCGG.

“Ang original idea for PCGG is around 10 years lang eh.  Enough to get back the wealth kung talagang pursigido ka.  Pero it just went on and on, 30 years na.  Hindi pa rin naibalik yung pera ng mga Marcoses,” sabi ni Casiple.

Pero dapat daw ay mayroon pa ring magpatuloy ng trabaho ng PCGG.  “Unfinished work yun eh. ‘Yung trabaho ng pagkuha pa rin, pagbalik ng mga ninakaw na kayamanan ng mga Marcoses is still a task to be dealt with.  Kung buwagin ang PCGG, dapat capable ‘yung papalit na i-undertake pa rin ‘yun,” dagdag ni Casiple.

Umalma naman ang Makabayan Bloc ng Kongreso sa planong pagbuwag ng Duterte Administration sa PCGG.  Ayon kay Bayan Muna Rep. Carlos Zarate ay bayad-utang na naman daw ito ni Duterte sa pamilya Marcos.

“Hindi dapat gawing dahilan ito (rightsizing) na buwagin ang PCGG para palusutin at kalimutan na lang ang nakaw na yaman ni Marcos. Bayad-utang uli iyan. Hanggang kalian magbabayad ng utang si Pangulong Duterte sa mga Marcoses at the expense of the Filipino people,” sabi ni Zarate.

Para kay ACT-Teachers Party-list Rep. Antonio Tinio, paraan lang daw ito ni Duterte upang maibalik sa puwesto ang mga Marcos. “Hindi naman sikreto na maka-Marcos si Duterte.  ‘Yung pag-abolish ng PCGG, consistent ‘yan sa isa sa mga pet agenda ni Pangulong Duterte na irestore at irehabilitate ang pamilya Marcos at ‘yung pwesto nila sa poder,” sabi ni Tinio.

Dagdag naman ni Rep. France Castro, imbes na mga regular na empleyado ang tanggalin, dapat daw ay pagtuunan ng pansin ang pagbibigay ng tenure o seguridad ang mga kontraktwal na manggagawa sa gobyerno.

Sa unang taon daw ng pagpapatupad ng Rightsizing Bill, tinatayang higit 255,000 na empleyado ang maaapektuhan. Bukod sa tanggalan, isa pa raw masamang epekto ng batas ay magiging overworked ang mga manggagawa. Ang malamang na mangyayari raw ay mas lalong lolobo ang mga job order sa gobyerno.

Paglilinaw naman ni Davao City Rep. Karlo Nograles, hindi basta-basta ang magiging tanggalan.  “Rightsizing law is not a way for us na i-fire ang mga workers in government.  Ang nakalagay sa right sizing purely optional and voluntary. ‘Yung maapektuhan, puwde nilang tanggapin ang package na inooffer sa kanila.  If hindi tanggapin ang package, ilalagay sila sa training pool.  Ire-retrain for deployment sa other government offices.  Hindi ito firing scheme na basta-basta,” sabi ni Nograles.

Magiging mas mainam ayon kay Dr. Jean Franco kung ililipat ang mga empleyado sa mga lugar na mas nangangailangan ng tao.  “Ang isa ring usapin, usually naka-concentrate yung urban government employees. Tignan din yung geographic areas lalo na sa rural areas kung saan may kakulangan ng workers. Hindi lang ‘yung per government agency kundi yung geographic areas din,” sabi ni Franco.

source: News5 Everywhere

Please rate this

Comments

comments

Michael Montuya

Michael Montuya

A Public School Teacher who loves to make some IT Stuff such as blog that can help to provide information to all teachers around the Globe.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *