Malacanang muling kinansela ang pasok sa gov’t offices, schools ngayong Martes, Oct. 17 No ratings yet.

Muling kinansela ng Malacanang ang pasok sa gobyerno at sa pampubliko at pribadong mga paaralan sa buong bansa ngayong Martes, Oktubre 17, 2017.

Ayon kay Executive Secretary Salvador Medialdea, ito ay dahil sa isasagawa ng mga transport group ang kanilang ikalawang araw na tigil-pasada o transport holiday.

Bukod aniya sa nasabing tigil-pasada ayon pa kay Medialdea, makakaranas ng pag-ulan sa ilang bahagi ng bansa dahil sa inaasahang epekto ng bagyong Paolo.

Sinabi pa nito na bukod sa walang mga masakyan ang mga kawani ng gobyerno at mga mag-aaral ay mababasa rin sila sa pag-ulan sa malaking bahagi ng bansa.

Nasa pagpapasya naman sa mga employer ng pribadong kumpanya kung magpapatupad sila ng kanselasyon ng pasok ng kanilang mga empleyado.

source: Bombo Radyo Philippines

Please rate this

Comments

comments

Michael Montuya

Michael Montuya

A Public School Teacher who loves to make some IT Stuff such as blog that can help to provide information to all teachers around the Globe.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *