Mga guro, may pananagutan kapag napahamak ang mga estudyante No ratings yet.

DAGUPAN CITY- Malaki ang pananagutan ng mga guro sa kaligtasan ng kanilang mga estudyante.

Ito ang naging tugon ni Atty. Jose Netu “Joey” Tamayo, sa programang Dura Lex Sed Lex, na napapakinggan tuwing linggo ng hapon kaugnay ng katanungan kung may pananagutan ba ang mga guro kapag napahamak ang kanilang mga estudyante habang ginagawa ang kanilang utos.

Paliwanag ni Atty. Tamayo, sa ilalim ng Saligang batas, partikular na sa Article 218 ng Family code, iginagawad sa mga paaralan at mga guro ang isang special parental authority at ipinapataw sa kanila ang responsibilidad sa kanilang mga estudyante na nasa loob o labas man ng mga paaralan sa ilalim ng school hours mula lunes hanggang Biyernes.

Giit nito na kung nangyari ang insidente ng walang pasok, o labas na sa school hours at kasama na kung may make-up classes na itatakda, mas malaki ang pananagutan ng guro.

Aniya, maaring mapatawan ng parusang administratibo ang guro at puwedeng masuspinde o matanggal sa kaniyang trabaho dahil sa pagpapatawag sa mga estudyante na hindi otorisado ng school administration o ng DepEd.

Matatandaan na sa bayan ng Labrador,Pangasinan isang malagim na trahedya ang nangyari noong araw ng sabado kung saan napag-alaman na galing sa eskwelahan sina Cyrus Vinluan, 11-anyos, isang grade-6 pupil at Ashley Lontoco, 11-anyos na residente ng Brgy. Uyong, dahil inutusan umano ang mga ito ng kanilang guro na magdilig ng mga halaman sa paaralan ngunit matapos nito sa halip na umuwi ay nagkayayaan pa ang dalawa na maligo sa dagat na humantong sa kanilang pagkamatay kasama ang isang 18 anyos na binatang si Romel Gonzales, na sasagip sana sa kanila.

source: Bombo Radyo Philippines

Please rate this

Comments

comments

Michael Montuya

Michael Montuya

A Public School Teacher who loves to make some IT Stuff such as blog that can help to provide information to all teachers around the Globe.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *