PHILHEALTH, Walang balak magbayad ng Ransom sa mga Hackers

HIndi kami magbabyad ng ransom, ito ang naging pahayag ni PhilHealth Finance Policy Sector spokesperson and Senior Vice President Israel Francis Pargas matapos mahacked ang kanilang Philhealth Portal. Ayon pa dito tanging datos ng mga empleyado ng Philhealth at ilang dokumento ang nakuha ng naturang hacker na kung saan ay hindi kasama ang detalye ng mga miyembro nito.

Ayon sa balita, ang Philhealth website ay nahacked ng Medusa Ransomware na kung saan ay humihingi ito ng halagang $300,000 USD para sa mga nanakaw na data nito at kung hindi umano makapagbigay ay posibleng ilantad sa publiko ang mga nakuha nitong impormasyon.

Ang ransonware ang isang uri ng malicious software na kung saan ishutdown nito ang computer system at maaring maibalik anumang oras na makapagbayad ng ransom.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *