PISTON Ikinansela ang Nationwide Strike, Deklarasyon ng pagsuspinde ng klase binawi. No ratings yet.

Binawi ng Bayan ng Guagua Pampanga ang nauna nitong Executive Order No. 53 s.2017 na nag-uutos na ikansela ang klase sa lahat ng antas mula December 4 – 5, 2017 matapos namang ikansela ng grupong PISTON ang kanilang Nationwide Stire na gagawin sa araw ng Lunes at Martes.

Matatandaan na ang bayan ng Guagua ang unang Local Government Unit na nadeklara ng suspension ng klase matapos ipahayag ng grupong PISTON ang kaninag Nationwide Strike. Ito ay sinundan ng lalawigan ng Albay sa pamamagitan ng Facebook Account ni Gov Al Francis Bichara at twitter Account naman ni Governor Migz Villafuerte ng Camarines Sur.

Dahil dito ay tuloy ang klase sa bayan ng Guagua Pampanga, Camarines Sur na nauna na ring nagpahayag ng pagsuspinde ng klase.

Samantala, suspendido pa rin ang klase sa lalawigan ng Albay matapos ipahayag ni Deputy Secretary-General Ramon Rescovilla ng PISTON Bicol na tuloy ang kanilang Tigil Pasada sa kabila ng pagbawi ng Tigil Pasada sa bahagi ng Metro Manila

Please rate this

Comments

comments

Michael Montuya

Michael Montuya

A Public School Teacher who loves to make some IT Stuff such as blog that can help to provide information to all teachers around the Globe.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *