PASIG GITY – Hiniling ni Education Secretary Sonny Angara sa mga private financial institutions na bigyan ng moratorium ang mga teaching at non-teaching personnel’s sa kanilang mga pagkakautang upang mabawasan ang kanilang dalahin dahil sa pagkasalanta sa nagdaang bagyo.
Sa sulat ni Sec. Angara hinihiling nito ang tatlong buwang moratorium sa mga empleyado ng Deped na direktang naapektuhan ng bagyo simula sa January 2025 ang magsisimula ang muling pagbabayad sa buwan ng Abril 2025.
Ang magbebenipisyo ng naturang kahilingan ay ang mga residente kung saan idineklarang Calamity ang kanilang lugar ng Office of the President, Local Government Units o Office of Civil Defense.
Kabilang rin sa kanyang kahilingan na bigyan ng moratorium ang lahat ng empleyado ng Deped ngayong buwan ng Disyembre at muli namang magbabayad sa buwan ng Enero.