Kamakailan ay nagpahayag si Deped Secretary Sonny Angara ng isang kahilingan sa mga lending institution na pansamantalang itigil ang pagkakaltas o pagbabawas ng kanilang loan amortization upang makatulong sa mga guro na sinalanta ng mga bagyo.
Sa kahilingan ni Sec. Angara, ang tigil-kaltas ay isasagawa ngayong buwan ng Disyembre para sa lahat ng Deped Personnel at Disyembre hanggang March naman para sa mga lugar na ideneklarang State of Calamity ng Palasyo ng Malakanyang. Local Government Unit at ilang ahensiya ng gobyerno.
Dahil dito nabuhayan ng loob ang mga kaguruan sa bansa na sa kahit kunting pagkakataon ay makaranas man lang ng ginhawa sa buhay.
Ngunit Disyembre na, asan na.. Hanggang paasa na lang ba? Tila ginawa lamang itong isang malaking publisidad upang maging maingay ang mga guro at makilala ang may akda ng naturang moratorium.
Ayon sa ating nakapanayam na isang Private Lending Institution, hindi umano sila pumayag dahil sa huli ay guro pa rin ang mahihirapan adahil magkakapatong patong ang interest at maaring lumaki pa ang kanilag balance dahil sa tatlong buwang moraturium.
Ito umano ay maari lamang sa Provident Fund na kung saan ito ay pinamamahalaan ng Ahensiya.
Gayunpaman, ala pa ring tugon dito ang GSIS kung sila ay sasali sa moraturium. Matatandaan noong nagkaroon ng moraturium ay maraming mga guro ang patuoy ang reklamo dahil sa tumaas ang kanilang arreast at wala silang magawa kundi mag reloan upang ma restructure ang kanilang pagkakautang.
Kaya ngayon…. Ito ba ay isang PROPAGANDA lamang para mapabango ang PANGALAN o gagawan ng paraan upang maisakatuparan ang naturang kahilangan.
Kung totoong sensero sila sa kapakanan ng mga guro, ibigay na ang SRI o kaya naman ay itaas ang sahod ng mga guro maliban pa sa pinapatupad na Salary Standardization Law.
Wag sanang gamitin ang ahensiya sa mga PUBLISIDAD upang makilala sa positibong pananaw.