Grade 5 pupil, patay dahil umano sa sampal ng guro

Pumanaw na ang isang Grade 5 pupil na isinugod sa ospital matapos mahilo at mawalan ng balanse makaraang sampalin umano ng kaniyang guro sa Antipolo, Rizal.

Ayon sa ulat,Β  nitong Lunes, sinabing binawian ng buhay kaninang umaga ang 14-anyos na biktimang si Francis Jay Gumikib, 11 araw makaraang siyang dalhin sa ospital.

Ayon kay Elena Minggoy, ina ng biktima, nakaramdam umano ng pananakit sa taenga si Francis matapos sampalin ng guro. Nasundan ito ng pagkawala ng balanse, at nagsuka kaya dinala sa ospital.

Batay umano sa rekord ng ospital, nagkaroon ng pagdurugo sa utak ng bata at kinalaunan ay binawian ng buhay.

Iniimbestigahan na ng pulisya ang insidente, at hinihintay naman ng Department of Education ang isusumiteng report ng principal ng paaralan.

Pupuntahan naman daw ng DepEd Superintendent ang paaralan.

Umaapela ang pamilya ng biktima kay Vice President at DepEd Secretary Sara Duterte na mabigyan sana ng katarungan ang sinapit ni Francis.

Problemado rin ng pamilya sa malaking gastusin sa ospital at burol ni Francis.

Source: GMA News

One thought on “Grade 5 pupil, patay dahil umano sa sampal ng guro

  1. May mga pagkakataon na mahirap isipin subalit hindi lahat ay dapat isisi sa guro alamin kung ano ang boung pangyayari subalit mali pa rin ang ginawa ng guro. Bawal pa ring manakit ng estudyante at lalong bawal na ang corporal punishment sa anumang aspeto.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *