Probinsiya ng Batangas niyanig ng Magnitude 5 na lindol

Niyanig ng 5.0 Magnitude na lindol ang lalawigan ng Batangas, ito ay ayon sa Philippines Institute of Volcanology and Siesmology (Philvocs). Ayon kay Director Teresito Bacolcol ito ay nangyari 8:24 ng umaga limang kilometro southwest ng Calaca, Batangas.

Ang lindol ay dulot na Tectonic na may lalim na 14kms.

Sa initial na report ipinakita ng instrumento ang intensify 5 ay naitala sa Lemery Batangas samantalang intensity 4 sa Cuencam Bauan Sta Teresita at San Luis, Batangas, Tagaytay City, Cavite at kasama na rin ang Muntinlupa City, Metro Manila at Intensity 3 naman sa Laurelm Batangas City, Batangas at Dolores, Quezon.

Samantala naitala naman ang intensity 2 sa mga sumusunod na lugar Talisay and Rosario, Batangas; Magallanes, Cavite; Boac, Marinduque; Las Pinas City at Pasay City, Metro Manila; Puerto Galera, Oriental Mindoro; Mauban, Polillo and Gumaca, Quezon; Taytay at Antipolo, Rizal , Intensity 1 naman sa Dinalupihan, Bataan; Malvar, Batangas; Malolos City and Guiguinto, Bulacan; Ternate, Cavite; San Pablo, Laguna; Malabon City, Pateros, San Juan City and Paranaque City, Metro Manila; Abra De Ilog and Mamburao, Occidental Mindoro; Lucban, Lucena City and Alabat, Quezon; and Tanay, Rizal.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *