Kaso ng Viral Video sa Pagpapasquat sa mga bata, patuloy na iniimbestigahan ng Deped

Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng Department of Education – SDO Leyte sa viral video ng isang pambulikong guro na nagbigay parusa sa mga estudyante sa pamamagitan ng pagpapasquat.

Ang naturang viral video ay ipinost noong araw ng Martes, Oktubre 24, 2023 sa isang FB Page ng isang netizen na kumalat ang naging viral sa social media na agad naman nagsagawa ng validation ang Deped Leyte at nakipagtulungan sa legal office upang maimbestigahan ang naturang insedente.

Ayon sa inisyal na report, bago ang naturang insidente ay may isang batang sa paaralan na nabully ng isang grupo ng mga mag-aaral noong Oktobre 18, 2023 habang may scouting activity. Ang biktima ay hinubaran umano ng isang grupo ng mga estudyante habang ipinasok nila ang kanilang mga daliri sa puwet ng bata.

Ang naturang insidente ay nakarating sa magulang ng bata at kaagad naman itong isinumbong sa guro ng biktima na siya ngayon ang naging paksa ng viral video.

Ayon sa naksaksi, inimbestigahan umano ng guro ang grupo ng mga estudyante sa video kung sino ang mga sangkot sa umano’y pambu-bully sa naturang estudyante at ito ay pinarusahan na siya namang nakunan ng video ng netizen.

Source: Abante Tonight (image)

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *