Pasukan sa mga pampublikong paaralan posibleng ibalik na sa dating schedule

Patuloy na pinag-aaralan ng Department of Education ang unti-unting pagbabalik ng klase sa orihinal na schedule nila mula sa buwan ng Hunyo hanggang Buwan naman ng Marso, tatlong taon matapos itong mabago mula sa August hanggang June dahil sa naranasang pandemic ng bansa.

Sa isinagawang Deped Consultation noong January 15, 2024, inayunan ng mga guro, magulang at mga student leaders ang pagbabalik ng klase sa buwan ng Hunyo upang maiwasan ang epekto ng summer season sa mga mag-aaral at mga guro.
Matatandaan na noong nakaraang taon ay maraming guro at mag-aaral ang nagkakasakit dahil sa tindi ng init ng panahon na kung saan ay patuloy pa rin ang klase ayon sa School Calendar ng Deped.

Ayon kay Deped Deputy Spokesperson Assistant Secretary Francis Bringas, nagkasundo sila sa provision draft at magkakaroon ng kaunting adjustment subalit ang pagbabalik sa dating pasok sa mga paaralan ay hindi umano posibleng mangyaring ngayong papasok na School Year 2024-2025. Ito umano ay posibleng mangyari sa school year 2025-2026 na makasimula na sila sa buwan ng Hunyo. Ngayong parating na school year 2025-2026  ay magsisimula ang klase sa buwan ng Hulyo kaya sa susunod na school year 2025-2026 ay sa Hunyo na talaga ang pasukan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *