Gawaing pang administratibo aalisin na sa mga guro ng bawat paaralan

Ibalik ang guro sa mga classroom, ito ang naging laman ng pahayag ni Deped Secretary Vice President Sara Duterte sa katatapos na 2024 Basic Education Report sa Sogitel Hotel, Pasay City.

Ayon dito aalisin na sa mga guro ang mga gawaing pang administratibo o non-teaching duties upang matutukan na umano nito ang pagtuturo sa mga kabataan.

Ayon pa sa kanya, magpapalabas umano sila ng bagong direktiba o Department Order at ito ay ilalabas sa susunod na linggo.

Sa kaugnay na balita, sinabi rin nito na magkakaroon ng karagdagang pundo ang mga Maintainance and Other Operating Expenses (MOEE) ng bawat paaralan upang magkaroon ng karagdagang administrative support staff.

Matatandaan na nong nakaraang taon ay nangailangan ang departamento ng 5,000 administrative staff at magkakaroon pa ng karagdayang 5,000 administrative personnel ngayong taong 2024.

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *