Taal Volcano nagtala ng mas mataas na Volcanic Sulfur Dioxide ngayong araw

Muli na namang naglabas ng volcanic sulfer dioxide o SO2 gas ang Taal main crater na nagdulot pangamba sa mga residente dito.

Ayon sa Philvocs, umaabot sa 14,211 tonelada kada araw ang inilalabas ng naturang bulkan at ito ang pangalawang pinamakamataas na flux na naitala ngayong taon.

Ang Taal ay may average na humigit-kumulang 10,000 tonelada kada araw mula noong Enero 2024 at patuloy na nagde-degas ng malalaking konsentrasyon ng sulfur dioxide mula noong 2021.

Ayon sa mga residente ng Barangay Bibilwang at Banyaga ng Agoncillo, sila ay nakakaamoy ng sulfur na kahalintulad noong panahong nagkaroon ng malakas na pagbuga ng SO2 ang Taal.

Sa kasalukuyan ay nakakaranas ng mahinang 18 volcanic earthquake ang taal at karamihan sa mga kaganapan ng pagyanig ay nauugnay sa aktibidad ng volcanic gas.

Patuloy pa ring pinaalalahanan ng DOST ang publiko ang ang Alert Level 1 ay namamayani pa rin sa Taas na nangangahulugan na ito ay nasa abnormal pa ring kalagayan.

Hindi umano inaalis ang posibilidad ng biglaang steam-driven o phreatic explosions, volcanic earthquakes, minor ashfall at lethal accumulations o expulsion ng volcanic gas at nagbabanta sa mga lugar sa loob ng Taal Volcano Island.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *