Walang Pasok | February 26, 2024

Marami sa ating mga kababayan ang naghihintay ng kautusan o balita kung gagawing Holiday ang February 26, 2024 bilang paggunita sa Peoples Power Revolution sa kabila na ito ay hindi inilagay sa listahan ng Holiday sa taong 2024 ng Palasyo ng Malakanyang.

Ang Peoples Power Revolution ay nangyari noong February 25 na kung saan ngayong taon ay pumatak naman ito sa araw ng linggo kaya hindi na umano ito napasama sa listahan ng mga holiday ng 2024 sa inilabas na listahan. Gayunpaman umaasa pa rin ang ilang mamamayan na maging holiday ang February 26 katulad sa ginawa sa Chinese New Year na pumatak ng linggo at ginawa namang holiday ng Palasyo ng Malakanyang ang araw ng Lunes isang araw pagkatapos ng Chinese New Year.

Sa kabila nito sa bisa ng Marcos Proclamation 450 ay itinalaga naman ang February 25 na Non-working holiday ang Buug, Zamboanga Sibugay bilang paggunita sa pagkakatatag ng kanilang bayan.

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *