St Joseph School Iloilo tigil operasyon sa susunod na taong panuruan

Matapos ang mahabang panahong paglilingkod sa bayan bilang isang educational institution ay ipinahagay ng administrasyon ng St Joseph School (Iloilo) Inc na kanila na itong isasara dahil sa pagkalugi nito at pababang bilang ng enrolment at hindi na nakakasapat upang makapagbigay ng sahod at masustentuhan ang mga pangangailangan ng paaralan.

Sa sulat na ipinadala ng paaralan sa mga stakeholders, magulang, mag-aaral at alumni noong Pebrero 15 na nilagdaan ni Maria Lourdes Josefina Garcia, may-ari ng paaralan ay ipinahayag nito ang permanenteng pagsasarado ng naturang paaralan.

Ayon pa dito patuloy ang pagkalugi ng paaralan at ito ay nasimula sa panahon ng pandemic at isa rin umano ang patuloy na pagbaba ng enrollment na siyang naging dahilan upang tuluyan ng isara ang paaralan sa susunod na taong panuruan.

Ang naturang paaralan ay matatagpuan sa Diversion Road sa Barangay San Rafael Mandurrian District na may 52 taong gulang na private school sa probinsiya.

Ito ay pinasimulan ng mag-asawang Garcia noong 1972 na may 40 mag-aaral, tatlong guro at isang office staff.

Pinasimulan naman nito ang pagbubukas ng elementarya ng 1986 at high school noong 2002.

Ang St Joseph School Iloilo ay kilala at tanyag dahil ito kinakatawan nito ang bansa sa mga international academic competitions.

Noong nakaraang taon, isa sa kanilang mag-aaral, GIhun Yoo, ay nanalo ng bronze medal sa Heat Round of the Guandong-Hongkong-Macao Greater Bay Area Mathematical Olympiad 2023.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *