Information Drive sa Masamang Epekto ng eGigarrettes planong ipasaklolo ng DOH sa Deped

Pinagplaplanuhan ng Department of Healthย  na magpaklsaolo sa Department of Education upang mapalawig ang Information Drive laban sa masamang epekto ng eGigarette o vape products. Ito ang naging pahayag ni Health Secretary Ted Herbosa matapos mapag-alamang maraming mga kabataan ang bumibili ng vape hindi lamang sa physical store lalong lalo na sa mga online platform sa bansa.

Ayon sa datus ng Department of Health tumaas na ang bilang ng mga pasyenteng may edad na 16 na taong gulang na dumaranas ng EVALI o E-cigarette or Vaping Use-Associated Lung Injury.

Ito umano ang dahilan kaya sila ay magpapatulong sa Deped upang tiyakin na magbibigyan ng tamang edukasyon ang mga bata ulok dito kung saan ituturo sa kanila na oras na ma-damage ang kanilang mga baga ay hindi na ito mapapagaling pa at habang buhay na nilang pagdudusahan nito.

Pinaalalahanan din ni Herbosa ang mga magulang o kaya naman guardian na ipaalam sa kanilang mga anak ang mga health risks na dala ng paggamit ng vape.

Matatandaang una ng nanawagan ang DOH sa Philippine National Police na tiyaking hindi magkakaroon ng access ang mga minor de edad sa mga vaoe at e-cigarette.

 

One thought on “Information Drive sa Masamang Epekto ng eGigarrettes planong ipasaklolo ng DOH sa Deped

  1. Daming gustong ipagbawal ng gobyerno pero nasa market pa din at puede ma access either in physicak and online store. Hindi Deped ang dapat dyan kundi DTI, SEC at ibang Business Government Licensing Institution ipasara o ipatigil ang operasyon para hindi na magkalat sa market. Yan ay kung talagang gustong ipagbawal at wala ng makita dito sa ating bansa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *