Walang Pasok | September 26, 2023

Suspendido pa rin ang face to face classes sa ilang lalawigan dahil sa volcanic smog mula nman sa Mayong Taal.

Narito po ang listahan ng mga lugar kung saan sinuspende ang klase ngayong araw ng martes, September 26, 2023 (refresh na lang po ang page para sa ilang pang updates.)

Batangas

  • Sto. Tomas – Kindergarten to Senior High School, kasama na ang ALS, pampubliko man o pribado (maari silang gumamit ng ibang alternatibong paraan ng pag-aaral katulad ng Distance learning o Online Classes)

Laguna

  • Bay – lahat ng level, pampubliko at pribadong paaralan.
  • Calauan – Lahat ng level, pampubliko at pribadong paaralan

Patuloy ang paalala ng Department of Health sa publiko na apektado ng volcanic smog na manatili sa kanilang mga bahay at panatilihing nakasarado ang pintuan at mga bintana, magsuot ng N95 facemask kung kinakailangang lumabas ng bahay, uminom ng maraming tubig upang maiwasan ang eye irritation at sumugod sa pinakamalapit na hospital kung kinakailangan.

(Refresh lang po ang page para sa karagdagang updates.)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *