Guro Arestado dahil sa illegal na droga

Arestado ang isang guro matapos itong makunan ng illegal na droga sa implementasyon ng search and warrant sa mismong pamamahay nito sa Purok-2, Brgy Rojales, Del Carmen, Agusan Del Norte.

Ang suspect at nakilalang si Ornille Rojales Natonton, miyembro ng LGBT, 42 taong gulang at kasalukuyang nagtuturo sa Carmen National High School. Sa isinagawang operasyon nakunan ang suspect ng 4 na sachet na may lamang suspected shabu at mga illegal drug paraphernalias.

Ayon sa pulisya matagal na umano nilang minamatyagan ang suspect at ito ay namonitor nilang gumagamit ng naturang droga na dati nang nare-hab.

Inamin naman ng suspect na pag-aari umano niya ang nakuhang illegal na droga at siya ngayon ay nasa pangangalaga ng kustudiya ng Carmen Municipal Police Station para sa tamang disposisyon.

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *