Seguridad ng Government Website pinahihigpitan ng DICT

Nagpaalala ang boung pamunuan ng Department of Information and Communication Technology (DICT) sa mga government agencies na higpitan ang seguridad ng kanilang mga webpages kasunod ng pag-atake ng Medusa Ransomware.

Matatandaan nitong nakaraang linggo ay nabiktima nito ang website na Philhealth na kung saan nakuha nito ang ilang datos at mahahalagang dokumento na nasa loob mismo ng database ng naturang tanggapan. Mahigit 300 USD naman ang hinihinging kapalit upang maibalik ang mga data na kanilang nakuha.

Ayon kay Sec. Ivan John Uy, malaking abala umano sa operasyon ng isang ahensiya ng gobyerno ang anumang pag-atake ng mga hackers kaya dapat ay higpitan na ang kani-kanilang website at Information Technology Systems.

Sa kasalukuyan, naibalik na ang Online services ng Philhealth.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *