Pagrepaso ng e-GASTPE Law inihain ni Senador Gatchailan sa Senado

Inihain ni Senador Sherwin Gatchailan ang Proposed Senate Resolution no. 925 na naglalayong repasuhin ang pagpapatupad ng Expanded Government Assistance to Students and Teaches o ang E-GASTPE law.

Layunin ng naturang programa na iaangat ang kakayanan ng mga mag-aaral at tiyaking may access sa dekalidad na edukasyon ang mga nangangailangang kabataan.

Ito rin ay nilaanan ng pundo mula sa 2024 National Budget na may kabuuang halagang P40.48 bilyon.

Samantala, nagbigay daan naman ang pagpapatupad ng K to 12 curriculum sa pagpapalawak ng E-GASTPE at pagkakaroon ng Senior High School Voucher Program (SHS-VP).

Ngunit patuloy na humaharap sa mga hamon ang pagpapatupad ng mga programa sa GASTPE.

Ayon sa 2019 Performance Audit Report on GASTPE ng Commission on Audit, may mga ulat na hindi mapatunayan ng mga paaralan na tunay na mag-aaral ang naitalang mga benepisyaryo.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *