Klase sa Albay Suspendido dahil sa Init ng Panahon

LEGAZPI CITY ALBAY – Sinuspende ng pamahalaang panlalawigan ng Albay ang face to face classes dahil sa nararanasang sobrang init na panahon sanhi ng El Nino Phenomenom at Dry Season.

Sa advisory na inilabas noong araw ng Linggo. isinaad ni Albay Governor Edzel Greco Lagman na suspendido ang klase sa lahat ng antas kasama ang mga Graduate Schools simula sa araw ng Lunes hanggang  hindi niya ito binabawi.

Pinaalalahanan din nito ang mga Punongguro na ipatupad ang alternative learning modalities sa elementarya at sekondarya habang ang mga nasa kolehiyo naman ay magkakaroon ng online classes.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *