Pagtaas ng Teacher’s Supplies Allowance (TSA) aprubado na ng Kamara

Matapos ang mahabang talakayan sa Kongreso ay inaprobuhan na ang panukalang batas na naglalayong taasan angTeaching Supplies Allowance (TSA) ng mga guro mula sa Php 5,000 at gawin itong Php 10,000.00 subalit ito ay mahahati sa dalawang tranche na kung saan sa School Year 2024*2025 ay makakatanggap ang mga guro ng Php7,500.00 at sa sunod na taon naman ay makukuha na nila ang boung Php 10,000.00

Ang naturang batas ay nakapaloob sa House Bill no. 9862 na kung saan nakakuha ng botong 247 mula sa House of Representatives bago pa man magkaroon ng Year End Break nitong December 14, 2023.

Ayon kay House Speaker Martin Romualdez na ang naturang panukalang batas ay pagkilala sa selfless service nf mga kaguruan at para na rin sa advance welfare ng mga pampublikong mga guro.

Ang naturang allowance ay magiging bahagi na ng Department of Education (Deped) sa ilalim ng General Appropriation Act o GAA.

Ang TSA ay magagamti ng mga kaguruan sa pagbili ng tangiable o intangiable teaching supplies, materials, bayaran ang incidental expenses at ang implementasyon ng ibat ibang learning delivery modes.

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *