Pagtaas ng Salary Grade ng mga Guro isinusulong sa Kongreso

Isinusulong naman ni Camarines Sur 2nd District Representative LRay Villafuerte ang House Bill 1851 na kung saan naglalayong taasan ang salary grade level ng public elementary at High School Teachers mula Grade 11 hanggang Grade 19 sa kabila ng patuloy na pagtaas ng cost of living sa bansa,.

Sa HB 1851, binigyang diin di Rep VIllafuerte ang tungkulin ng konstitusyon ng Estado na paganahin at gawing kaaya-aya ang kondisyon sa pagtatrabaho para sa mga guro at tiyakin na ang propesyon ng pagtuturo ay makaakit at mapanatili ang nararapat na bahagi nito sa pinakamahusay na magagamit na mga talento ng bansa.

Kaugnay nito ay inatasan din ang Deped na bumuo ng specific programmed budget para o-cover ang expenses sa pagtaas ng salary levels para sa mga plantilla positions sa loon ng limang taon ng sa gayon mabigyan ng sapat na panahon ang DBM na magsagawa ng kaukulang adjustment para ipatupad ang maayos na implementasyon ng nasabing batas.

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *