Pilot Implementation ng Bagong Deped Curriculum, Pinasimulan na

Pinasimulan na ng Department of Education and Pilot Implementation ng Deped Matatag Curriculum na kung saan nilahukan ito ng limang paaralan mula sa ibat ibang panig ng bansa at ito ay isasagawa ng Grade 1, 4 at 7.

Kabilang sa napili ng Deped and Tinajeros National High School sa Malabon City. Ang Matatag curriculum ay ipapatupad sa naturang school sa Grade 7 at may 19 na section na may kabuoang bilang na 683 mga kabataang mag-aaral

Ayon sa Deped, ang mga guro na siyang magpapatupad ng naturang curriculum ay hinasa at sinanay upang maayos na maipatupad ang programa.

Ayon kay President Ferdinand Marcos Jr, ang pagsasaayos ng curriculum ay magkakaroon ng malaking benepisyo sa mga mag-aaral at maging sa mga guro nito. Sa pamamagitan umano nito ay muling maiaangat ang kalidad ng edukasyon lalo na sa Science, Technology, Engineering at Mathematics (STEM) subjects.

Ang matatag curriculum ay resulta ng pasisiyasat na naging dahilan upang bawasan ang competencies at bigyang pansin ang developing fundamental skills katulad ng literacy, numeracy at socio-emotional skills para sa Kindergarten hanggang Grade 3.

One thought on “Pilot Implementation ng Bagong Deped Curriculum, Pinasimulan na

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *