1.9 Milyong Puno naiambag ng Deped sa Tree Planting Activity kasama ang OVP at DENR

Umaabot sa 1.9 Milyong mga puno ang naitanim ng Department of Education (Deped) sa boung bansa, ito umano ay Christmas Gift ng ahensiya para sa mga batang Pilipino noong nakalipas na taon.

Ayon sa Deped, Naitala nila ang mahigpit 1.9 Milyong punong nakatanim sa lahat ng rehiyon sa bansa sa ilalim ng 236,000 Christmas Trees Project.

Nanguna dito ang Cordillera Administrative Region na nakapag-ambag ng 1.9 milyong puno.

Ang naturang program ay pinangunahan ng Deped at ang tree planting activities na ito ay sabay sabay na isinagawa ng lahat ng pampublikong paaralan noong Disyembre 6, 2023.

Samantala, nilagdaan naman ni  Vice President at Education Secretary Sarah Duterte ang isang Memorandum of Agreement (MOA) kasama ang Office of the Vice President at ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) para sa Project Pagbabago: A Million Trees program.”

Nakapaloob sa kasunduang ito ang pagkikipagtulungan ng Deped sa dalawang ahensiya sa paghikayat sa patisipasyon ng mga paaralan at kumunidad sa greenign initiative ng OVP upang itamin sa mga mag-aaral at empleyado nito ang kahalagahan ng pangangalaga sa kapaligiran, at konserbasyon at makamit ang mga layunin ng Greening Program (NGP) ng gobyerno.

Ang OVP naman ay nakapag-ambag ng 250,000 puno mula sa 1.9 milyong puno na itinanim ng sabay sabay na nationwide tree planting activity, na nilahukan ng mga opisyal, tauhan, guro at mag-aaral ng Deped.

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *