17,000 Senior High School na mag-aaral posibleng maapektuhan ng pagpapatigil ng CHED ng SHS Program

Apektado ang mahigit 17,000 Grade 11 na mag-aaral mula sa iba’t ibang mga state and Local Universities and Colleges matapos maglabas ng kautusan ang Commission on Higher Education na pagpapatigil sa Senior High School program sa susunod na taon.

Sa inilabas na datos ng Department of Edication, mula sa kabuuang 2.1 million Grade 11 na mag-aaral ang enrolled ngayong school year, kung saan mula riyo ay nasa 17,751 na mag-aaral ang naka-enrol sa mga state universities and colleges, at local universities and colleges.

Ayon kay Deped Usec, Michael Poa, mayroong dalawang opsyon ang mga maaapektuhan ng naturang kautusan tulad na lamang ng pag-eenroll sa mga public o private schools kung saan maaari silang makapag-avail ng kanilang mga voucher program.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *