SHS Program ng Caraga State University Tuloy pa rin, Subsidiya sinagot ng LGU

BUTUAN CITY –  Sa kabila ng pagpapatigil ng Commission on Higher Education sa mga programa ng Senior High School sa mga State College and Universities at Local Colleges ay tuloy pa rin ang Caraga State University o CSU Cabadbaran City Campus sa pag-o-offer ng Senior High School Program.

Ayon kay Pedro Tecson, tagapagsalita ng Department of Education o Deped-Caraga na naisama sa naturang programa ang mga state universities and colleges matapos itong hilingin ng Department of Education na maaccomodate lamang ang mga estudyanteng cover ng K-12 program noong 2016 na hindi na naaccomodate ng mga pampublikong paaralan dahil sa pagdagsa ng mga enrolles dahil sa transition period ng Curriculum.

Sa kabila umano ng pagtapos ng programa ng CHED para sa mga SHS ay hindi umano ito naging hadlang sa Deped dahil ang Local Government Unit na ang magbigay ng subsidiya para sa mga senior high school students na nasa CSU-Cabadbaran City Campus.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *