100 percent increase sa contribution ng Pag-ibig Fund, ipapatupad na sa Pebrero

BUTUAN CITY – Tuloy na ang pagtaas ng contribution ng PAG-IBIG Fund sa boung bansa at ito ay papatupad sa buwan ng Pebrero,’ Ayon kay Engr. Quimbo, Branch Manager ng Pag-Ibig Butuan ang naturang pagtaas ay noon pa sanang 2020 subalit ipinagpaliban dahil sa nangyaring pandemic at hirit na rin ng mga employer.

Kung ang isang empleyado ay nagbibigay ng contribution na 100 peso ngayon ay madodoble ito at magiging 200 pesos.

Ayon pa sa PAGIBIG ang naturang pagtaas ay may legal bases at sa ngayon patuloy silang nagbibigay ng communication sa mga pribadong opisina, HR at Finance Group.

Sa kabila nito ay mas malaki naman ang halaga kung sila ay mag apply ng multipurpose at calamity loan, Ito ay maliban  pa sa malaking share sa savings kung magdeclare na ng dividend.

Paliwanag pa nito na sila ay hindi naglimita ng 200 pesos dahil ang miyembro ay puwedeng magbigay ng mas malaki pang contribution upang mas malaki rin ang kanilang ma-save.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *