Senador Sherwin Gatchalian sinuportahan ang Catch-Up Program ng Department of Education

Sinuportahan ni Senate Committee on Basic Education Chairperson Senador Sherwin Gatchalian ang Catch Up Friday Program ng Department of Education na pinasimulan noong January 12, 2024.

Ang naturang Catch-Up program ay inilunsad matapos lumabas ang datos ng 2022 Programme for International Students Assessment na kung saan 76% ng mga mag-aaral sa Pilipinas na may 15-taong gulang ang walang taglay na minimum proficiency sa Reading o Pagbasa.

Ayon sa Deped ang programang ito ay siyang tutugon sa mga pangangailangan ng mga estudyanteng Pinoy na kung saan ipapatupad sa lahat ng pampublikong paaralan sa elementarya at High SChool.

Ito ay ipapatupad din sa lahat ng learning centers sa boung bansa..

Isa sa nakapaloon sa nasabing programa ang Drop Everything and Read (DEAR) activity sa lahat ng mga arw ng Biyernes sa buwan ng Enero

Ang programang ito ay bahagi rin ng National Reading at Mathematics Programs na parehong nasa ilalim ng National LEarning Recovery Program ng ahensiya.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *