Pilipinong Guro sa New York City Pinarangalan

Pinarangalan ng New York City ang isang Pilipinong Guro dahil sa pagpapamalas nito ng kaniyang natatanging galing sa pagtuturo sa asignaturang Science at Mathematics sa mga mag-aaral sa pampublikong paaralan.

Ang naturang parangal ay isinagawa sa katatapos na 024 SLOAN Award for Excellence in Teaching Science and Mathematics na isinagawa sa New York City, Estados Unidos

Ang naturang award ay iginagawad sa mga guro na ginugugol ang kanilang oras at panahon para tulungan ang mga estudyante na umangat.

Si Eluterio Timbol na siyang nakatanggap ng naturang parangal ay lumaki sa Pilipinas at isa siya sa siyam na anak ng kanyang mga magulang.

Siya kay kasalukuyang nagtuturo sa High School for Law Enforcement and Public Safety,

Ang kanyang galing ay kinilala sa kanyang naging papel sa pagpa-facilitate ng pagpapalitan ng mga Filipino-American Educators sa Pilipinas tuwing summer gayundin ang pagpapayaman ng educational landscape sa dalawang bansa.

Bago pa man, si Timbol ay isa rin sa 54 na guro sa pampublikong paaralan sa New York State ang nakatanggap ng Gobernador Empire State Excellence in Teaching Award.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *