Tsunami Prone na Probinsiya at Siyudad sa Bansa inilabas ng Philvocs

Inilabas ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology ang listahan ng mga probinsiya at siyudad sa bansa na prone sa tsunami. Ayon dito aabot sa mahigit kalahati ng mga probinsya sa buong Pilipinas ang prone o lantad sa tsunami.

Ayon kay PHIVOLCS director Teresito Bacolcol, 66 mula sa 82 mga probinsya sa buong bansa ang pawang mga prone sa banta ng pagtama ng tsunami.

Ito aniya ay ang mga probinsyang nasa low-lying areas sa eastern seaboard at malapit sa Philippinne Sea, habang vulnerable din aniya sa mga local tsunamis na dulot ng mga pagyanig sa Maynila, Negros at Sulu trenches ang mga coastal provinces na malapit sa West Philippine Sea.

Samantala, bukod sa mga probinsya ay nagbabala rin ang opisyal sa posibilidad ng pagtama ng tsunami sa 9 na lungsod sa Metro Manila kabilang na ang Caloocan, Las Pinas, Manila, Makati, Malabon, Navotas, Pasay, Paranaque, at Valenzuela.

Sabi ni Bacolcol, sakaling yanigin ng magnitude 8.3 ang Manila trench ay posibleng magkaroon ng nasa 3.5 meter hanggang 5.5 meters na taas ng alon ng tsunami, habang may posibilidad din aniya na magkaroon ng mga pagbaha ng hanggang 2.7 kilometers.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *