180 Pamilya apektado sa 6.8 Lindol sa bahagi ng Mindanao

MANILA – Umabot sa 180 pamilya ang naapektuhan ng 6.8 magnitude na lindol sa ilang bahagi ng Mindanao nitong nakaraang Biyernes. Ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council, 1509 bilang katao ang apektado sa Davao Occidental, Davao Oriental, South Cotabato at Sarangani Province.

Naiulat din na may 8 taong ang namatay samantalang 13 naman ang malubhang nasugatan na hanggang sa kasalukuyan ay patuloy pa ring beneberipika ng NDRRMC.

Samantala, naapektuhan din ang 12 kalsada at tatlo dito ay hindi madaanan sa SOCCSKSARGEN.

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *