Lokal na Pamahalaan ng Catanduanes pinaalalahanan ang publiko sa kumakalat ng fake news

Bagamat patuloy ang malakas na pag-ulan sa Rehiyong Bikol at karatig lugar nito ay pinaalalahanan ni Virac, Catanduanes Mayor Samuel Laynes ang kanyang nasasakupan wag umanong maniwala sa sinasabing super typhoon na maaaring maglandfall sa lalawigan ng Catanduanes. Ayon dito ang sanhi ng ulan ay bunsod sa Low Pressure Area (LPA) na namataan ng PAGASA at posible nga itong maging isang ganap na bagyo na tatawaging KABAYAN.

Ang naturang pahayag ng alkalde ay bunsod na rin ng kumakalat na text messages na nagsasabing tatamaan ang lalawigan ng Catanduanes subalit umano ay isang fake news at walang katutuhanan, gayunpaman ay pinag-iingat pa rin nito ang publiko at kung maari ay makinig na lamang sa radyo o kaya naman ay mag-antaybay ng balita galitng sa realiable sources katupad ng PAGASA< MDRRMO o PDRRMO.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *