Housebill Number 9260 tinutulan ng Alliance of Concerned Teachers

Hindi Camera ang kailangan ng paaralan kundi dagdag na mga tauhan na magbabantay dito, ito ang naging pahayag n  i Alliance of Concerned Teachers Chairperson Vladimer Quietua matapos isulong sa Kamara ang House Bill 9260 o ang Campus Security Act na nagsasaad na maglagay ng mga Closed-Circuit Television sa lahat ng paaralan ng Pilipinas.

Mas makabubuti umanong pagtuunan ng pansin ang pagkuha ng mga Security Guard na magbabantay sa paaralan at makakaresponde sakaling may mga mangyaring krimen o hindi inaasahang insedente.

Binanggit din nito na kulang rin ang mga guidance councilors, guro, mga gamit at klasrum sa mga paaralan na siyang mas dapat pagtuonan ng pansin ng gobyerno.

Ayon pa dito hindi umano tutol ang ACT sa paggamit ng teknolohiya para sa seguridad ng mga paaralan subalit mas dapat umanong pagtuunan ng pansin at paglaanan ng pundo ang mga bagay na may mas malaking epekto para sa mga mag-aaral at guro.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *